Layunin ni Christine De Guzman: Pagkakaroon ng MINI-PESO office kada Barangay. | free Classified | Free Advertising | free classified ads
Posted April 29, 2019 at 5:03 pm by magnusmarketing

Layunin ni Christine De Guzman: Pagkakaroon ng MINI-PESO office kada Barangay.

“Wala masyadong nagsusulong ng programang pa-trabaho. Iyon ang kailangan ng tao. Iyon ang aking programa, ang pagbibigay ng trabaho” – Christine De Guzman, tumatakbong konsehal ng Distrito 4 ng Lungsod Quezon.

 

Mahigit na 9 na taon na syang nagbibigay ng mga trabaho bilang isang pribadong indibidwal ng Lungsod Quezon sa pamamagitan ng Magnus Eventus Inc. isang kumpanyang itinayo ng ating butihing si Christine De Guzman na nag oorganisa ng mga JOB FAIRS na kung saan marami ang natutulungang mamamayan ng Pilipinas na magkatrabaho. Umaabot ang mga JOB FAIRS nya ang iba’t-ibang parte ng ating bansa.

 

Ngunit sa halos siyam na taon, napansin nyang wala nagsusulong ng programang Pa-trabaho para sa ating mga kababayan lalo na sa Distrito 4 ng Lungsod Quezon. Kung kaya’t naisipan nyang tumakbo ng sagayo’y magawa nya ang kanyang panata sa dyos na mas palawigin ang pagbibigay ng serbisyo para sa ating mga kababayan at hindi nya ito maaabot kung mananatili syang isang pribadong indibidwal.

 

Isa sa mga plataporma nya ang pagkakaroon ng MINI PESO sa bawat barangay. Layunin ng programang ito na mailapit sa bawat barangay ang mga serbisyo ng QC PESO. Isa na rito ang pagkakaroon ng JOB COACHING kung saan tuturuan ang aplikante na mga tamang pagsagot sa mga job interviews at paggawa ng resume; kasama dito ang kumpyuter at printer na kung saan magagamit nila sa pag-aaply; At pagrerekomenda sa mga aplikante ng bawat barangay sa mga kumpanyang pwede nilang pasukan gamit ang kanilang mga kwalipikasyon.

On map