Christine De Guzman: Trabaho bilang sagot sa kahirapan, ipaglalaban! | free Classified | Free Advertising | free classified ads
Posted April 29, 2019 at 5:03 pm by magnusmarketing

Christine De Guzman: Trabaho bilang sagot sa kahirapan, ipaglalaban!

Hindi maikakaila ang mataas na bilang ng mga humihingi ng tulong pinasyal sa iba’t-ibang pulitiko. Karamihan dito ay para sa pang “maintenance” sa kanilang mga sakit, pampagamot sa kanilang mga kamag-anak na may sakit, at iba pa. Bagaman kasama ito sa badyet ng mga pulitiko dahil sa kanilang mga programa bilang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, hindi parin maiiwasan na may mga hiling na hindi napabibigyan.

 

Layunin ng ating tumatakbong konsehal na si Christine De Guzman na mabigyan at matulungan ang lahat ng mamamayan sa Lungsod ng Quezon ng trabaho. Dahil trabaho ang kaniyang nakikitang solusyon upang hindi na umasa ang mga tao sa mga pulitiko sa kanilang mga tulong pinansyal.

 

Ika niya “Kung trabaho ang ibibigay natin sakanila, may mas tyansa sila na mabuhay ng hindi umaasa sa mga pulitikong pwede silang i-decline. Hindi naman lahat nabibigyan ng tulong. Kung may trabaho sila pwede nilang iangat ang antas nila sa buhay at hindi na muli aasa sa tulong ng lokal na pamahalaan”.

 

Ang kanyang mga plataporma ay sumasalamin sa mga pangmatagalang solusyon sa problema ng bawat mamamayan.  Ang gusto ng ating tumatakbong konsehala na si Christine De Guzman ang kaniyang tulong ay pang matagalan at hindi basta basta maiaalis sa taong nagsisipag at nagtatyaga.

On map