Christine De Guzman: Pagpapalaganap ng kamalayan sa karapatan ng mga PWD. | free Classified | Free Advertising | free classified ads
Posted April 29, 2019 at 5:03 pm by magnusmarketing

Christine De Guzman: Pagpapalaganap ng kamalayan sa karapatan ng mga PWD.

“Hindi awa ng kailangan naming, oportunidad…” madalas natin itong marinig sa mga PWD nating kapatid na nakakaranas ng diskriminasyon sa pagkakaroon ng trabaho. Sa kabilang banda kung ihahalintulad natin ang kamalayan ng mga tao noon at ngayon pagdating sa usaping karapatan ng mga PWD dito sa pilipinas, makikita natin ang malaking agwat nito.

 

Isa na rito ang mga batas na kung saan nagbibigay diskwento sa mga gamot, pagkain sa mga restawran, pamilihan, transportasyon at marami pang iba. Di na alintana sa bawat isa sa atin ang mga ganitong pribilehiyo para sakanila. Subalit lubos ba talaga natin sila naiintindihan? Lubos ba ang kaalaman natin sa kung anong estado nila sa ating bansa? Sino nga ba ang makakaintindi sakanila?

 

“Mas pinili po naming mag asawa magbigay ng trabaho dahil ilang miracle na po nyang sinagip ng Nazareno ang anak kong PWD. So, para maibalik ko po sakanya yung miracles na binigay nya po saakin, nag dya- Job Fair ako. Hindi lang po naming tinuturing na business but actually it’s an advocacy by creating and giving jobs.” – Christine De Guzman.

 

Bilang isang tumaktakbong konsehal ng Distrito 4 ng Lungsod Quezon na si Christine De Guzman, isa sa mga panata nya ang makapaglingkod sa mga kapatid nating PWD lalo na sa paghahanap ng trabaho at pagpapatibay ng batas na kung saan nagpoprotekta sa kanilang mga karapatan makahanap at matanggap. Naging isang misyon nya ito dala na rin na pagiging isa nyang ina sa anak na PWD. Inspirasyon nya ang mga himala ng Poong nazareno sa buhay nilang mag anak sa pagpapagaling sa mga sakit ng bunso nyang anak. Dahil dito naging tulay sya sa pagbibigay ng mga trabaho sa pamamagitan ng pag organisa ng mga job fairs.

 

At bilang isang ina ng PWD at eksperto pagdating sa proseso ng mga kumpanya sa pagtanggap ng mga aplikante, nabatid nya ang pangangailan ng mga ito (PWD) mula sa hirap makakuha ng mga kumpanyang tumatanggap ng mga PWD hanggang sa pagbuno ng mga kinakailangang dokumento para sa pagsisimula sa trabaho. Ilang taon din syang sa gawaing ito bilang isang pribadong indibidwal pero napagtanto nyang kulang ang serbisyong ito, mas magiging epektibo ang misyon nyang ito kung may kakayahan syang magpalaganap ng mga ordinansa na makakatulong sa pagpapatibay ng mga karapatang ito.

On map